Friday, June 30, 2006

happy-ness...

happy birthday sam!

~~~

lolz!

who's line is it anyway?


~~~

akala ko ba drama ang "sa piling mo?" e ba't tawa ako nang tawa?

~~~

walang kupas pa rin ang bulagaan. kahit na isang damakmak ko nang napanood yun di pa rin ako nagsasawa.

~~~

na-adik na ko sa kantang 'to

~~~

happy birthday my brooding pit!

wtf!

anak ng tutsa! anong nangyari sa blog ko? T-T

Tuesday, June 27, 2006

something is off

still here in elbi... :D

~~~

it's already five in the afternoon and i haven't eaten anything today. and yet i'm not hungry. weirdness... :S

~~~

it is only now that i've gotten the chance to sample dashboard confessional's music. i like it. no surprise there. :P

~~~

sometimes i wish i wasn't as optimistic as i am... :|

Monday, June 26, 2006

to the batcave

nung last time na pumunta ako dito, not counted yung last week ha, july last year nga ata yun, disappointed ako kasi di kami nakakain sa batcave. di ko naalala na nagsasarasdo nga pala ang bat cave pag weekends.

buti na lang ngayon nakakain na ako. automatic na para sa akin yung kakainin ko sa batcave. ang kanilang (in)famous na lechong kawali. syempre nilubos-lubos ko na at umorder na rin ako ng coke 500 at saging. at wag kalimutan ang mang tomas ha! pero isang rice lang ako. di ko na kayang magdalawa ngayon e.

sarap na kain namin! presko kasi sa second floor. at masarap din kasi yung kwentuhan. yung kwentuhang wala lang. kwentuhan na merong sense pero wala. nakakamiss talga yung mga ganung usapan.

habang sinusulat ko 'to ramdam ko pa rin ang pagkabusog sa kinain ko at sa mga usapan namin kanina. pero...

bakit dissappointed pa rin ako?

quickie

i'm in elbi!

happy!

:D

Saturday, June 24, 2006

bagong kampeon

big news!

nagpakasal na si mama ko. matagal na nilang pinaplano na magpakasal at sa wakas natuloy din. nung 16 sila nagpakasal. early birthday gift ng mama ko sa sarili nya. congrats ma!

~~~

habang kinikilatis ko yung singsing ni mama napansin nya yung singsing ko. (kasi sabi ko masmaganda yung singsing namin kaysa sa kanila.) syempre napatanong na naman si mama...

mama: ikaw rin?
ako: anong ako rin?
mama: kasal ka na din?
ako: ha?
mama: e ba't may singsing ka din?
ako: haha! nauna lang ma.
mama: ... (not convinced)
ako: di ko na kailangan maghanap ng singsing ma, asawa na lang.

~~~

extended ang celebration ng birthday/wedding ni mama. kahit na nagcelebrate na kami nung tuesday night na dumating sila sa bahay at kinabukasan (wednesday). di kasi nakauwi si apple nung mismong araw na birthday ni mama kaya mamayang gabi tuloy ang celebration. masmasarap ang celebration kasi may sisig na kasama! mahaba-habang celebration. :D

~~~

lumabas kami nila jae, frank, jem at lex kagabi. (nakakatamad mag hyperlink. :P) nagcelebrate din. ayus! alam ko na ngayon kung sino kakausapin ko kung hahanap ako ng kakampi. hehe. :P

~~~

kung iinom ka para makalimot siguraduhin mo lang na madami kang iinumin. kasi kung hindi, imbes na makalimot ka, makakaalala ka lang.

Thursday, June 22, 2006

no catch

i'm bored. bored bored bored bored bored. bored. but i thought of a way to be not bored anymore. and i need your help. :)

let me sing you a song. (or let me sing a song to someone you know.)

just pick a song from the list below and then we'll sort things out as to where and when i'll sing to you (or someone you know) the song.

kandila by sugarfree
beer by itchyworms
barely breathing by duncan sheik
alibi by duncan sheik
stupid mouth by john mayer
hanggang kailan by orange and lemons
ako'y sa'yo, ika'y sa akin by iaxe
i believe in dreams by janno gibbs
panahon na naman by rivermaya
constantly by vanessa williams

if you got another song in mind just tell me the song and i'll learn it then sing it to you.

just want to share the love. no point in singing if i'm singing for no one, no? :)

(tulong nyo na din sa akin 'to. para naman lumakas ang loob ko.)

Monday, June 12, 2006

ayaw ko ng...

...maging bum! nakakatamad na talga. ano nga bang ginagawa ko para di na ko bum? syempre nagsimula na akong maghanap ng trabaho. (sa wakas. :P) pero nakakalungkot lang kasi sa dinami-dami ng mga pinadalhan ko ng resume ko ni isa wala pa ni isang tumawag sa akin. bakit ayaw nila sa akin? :(

~~~

...maging duwag! sa sobrang pagka-bum ko iniisip ko na lang kumanta sa isang bar dun malapit sa amin. kaya nga lang nachichicken ako. nakaka-intimidate kasi yung mga kumakanta doon. sila kumpleto sa instrumento. ako, bukod sa mag-isa na nga, wala pang matinong gitara. (putol kasi ang number 1 na string. :( )

(sa kakakanta ko sa bahay nahawa na si mama. nagustuhan nya yung isa kong kinakanta. nagpadictate pa nga ng lyrics e. sinulat nya pa sa notebook nya. kodigo kumbaga. :P pinapagitara pa sa akin para magkantahan daw kami. hehe. :D )

~~~

... umiyak/iyakan... yang mga pesteng korean movies na yan. langya yang the classic yan! pocha... :'(

Saturday, June 10, 2006

because you love 'em

strawberries

there were never strawberries
like the ones we had
that sultry afternoon
sitting on the step
of the open french window
facing each other
your knees held in mine
the blue plates in our laps
the strawberries glistening
in the hot sunlight
we dipped them in sugar
looking at each other
not hurrying the feast
for one to come
the empty plates
laid on the stone together
with the two forks crossed
and I bent towards you
sweet in that air

in my arms
abandoned like a child
from your eager mouth
the taste of strawberries
in my memory
lean back again
let me love you

let the sun beat
on our forgetfulness
one hour of all
the heat intense
and summer lightning
on the hills

let the storm wash the plates

-- Edwin Morgan

Thursday, June 08, 2006

i remember the good times...

sharing moments of fun...

is that you lolo?

oo hija. look at my mole.

a yah!

~~~

tingininginingbreakdance! ang sarap magbasa ng nga lumang post. ang olats ko. :P

text post

i love the limiting factor of story telling via cell phone. in my phone i only have 960 characters, including spaces, to tell a coherent story. i send these stories to select (globe subscriber) people. (unlimited! woot!)

here's a sample of what i've written recently. read on. (don't worry this will be a short one. :P)

~~~

akalain mong sa dinami-dami ng lugar dito sa pilipinas at sa kapal ng tao ngayong weekend dito sa pagkalaki-laking mall na 'to, dito pa kita muling nakita. sa malayo pa lang alam ko na ikaw na yun. suot mo ang favorite mong blouse na bigay ko. mahaba na ang buhok mo pero may nakatikwas pa rin. bumalik na ang sigla sa mga pisngi mo. buti naman. ang dami ng bago sayo pero ganun pa rin ang nararamdaman ko.

daig pa ang isang eksena sa pelikula. paakyat ako sakay ng escalator. pababa ka naman. hirap ang escalator sa dami ng mga tao. mistulang slow mo tuloy ang mga pangyayari. napansin mo ako at bigla kang napatigil sayong pag kwento. sandali tayong nagkatitigan at nakita ko ang saya at lungkot sayong mga mata. iniwas mo ang yong tingin at ibinaling sa kamay mo. sa kamay mo na hawak nya.

sa puntong yun natapos ang eksena at muli kong naalala na wala ka na.

Tuesday, June 06, 2006

poll

should i try and publish my haikus?

a. yes! go for it.

b. no. get a life you amoeba.

c. you write haikus?

d. haikus? bless yous...