Thursday, June 08, 2006

text post

i love the limiting factor of story telling via cell phone. in my phone i only have 960 characters, including spaces, to tell a coherent story. i send these stories to select (globe subscriber) people. (unlimited! woot!)

here's a sample of what i've written recently. read on. (don't worry this will be a short one. :P)

~~~

akalain mong sa dinami-dami ng lugar dito sa pilipinas at sa kapal ng tao ngayong weekend dito sa pagkalaki-laking mall na 'to, dito pa kita muling nakita. sa malayo pa lang alam ko na ikaw na yun. suot mo ang favorite mong blouse na bigay ko. mahaba na ang buhok mo pero may nakatikwas pa rin. bumalik na ang sigla sa mga pisngi mo. buti naman. ang dami ng bago sayo pero ganun pa rin ang nararamdaman ko.

daig pa ang isang eksena sa pelikula. paakyat ako sakay ng escalator. pababa ka naman. hirap ang escalator sa dami ng mga tao. mistulang slow mo tuloy ang mga pangyayari. napansin mo ako at bigla kang napatigil sayong pag kwento. sandali tayong nagkatitigan at nakita ko ang saya at lungkot sayong mga mata. iniwas mo ang yong tingin at ibinaling sa kamay mo. sa kamay mo na hawak nya.

sa puntong yun natapos ang eksena at muli kong naalala na wala ka na.

2 comments:

  1. aha! ito pala yun. :)

    thanks for #172. ;)

    ReplyDelete
  2. Ngayon ko lang ulit nabisita to. Gusto ko to jam.

    Talaga bang nagiging writer ang mga tao pag inlab?

    ReplyDelete