Saturday, June 24, 2006

bagong kampeon

big news!

nagpakasal na si mama ko. matagal na nilang pinaplano na magpakasal at sa wakas natuloy din. nung 16 sila nagpakasal. early birthday gift ng mama ko sa sarili nya. congrats ma!

~~~

habang kinikilatis ko yung singsing ni mama napansin nya yung singsing ko. (kasi sabi ko masmaganda yung singsing namin kaysa sa kanila.) syempre napatanong na naman si mama...

mama: ikaw rin?
ako: anong ako rin?
mama: kasal ka na din?
ako: ha?
mama: e ba't may singsing ka din?
ako: haha! nauna lang ma.
mama: ... (not convinced)
ako: di ko na kailangan maghanap ng singsing ma, asawa na lang.

~~~

extended ang celebration ng birthday/wedding ni mama. kahit na nagcelebrate na kami nung tuesday night na dumating sila sa bahay at kinabukasan (wednesday). di kasi nakauwi si apple nung mismong araw na birthday ni mama kaya mamayang gabi tuloy ang celebration. masmasarap ang celebration kasi may sisig na kasama! mahaba-habang celebration. :D

~~~

lumabas kami nila jae, frank, jem at lex kagabi. (nakakatamad mag hyperlink. :P) nagcelebrate din. ayus! alam ko na ngayon kung sino kakausapin ko kung hahanap ako ng kakampi. hehe. :P

~~~

kung iinom ka para makalimot siguraduhin mo lang na madami kang iinumin. kasi kung hindi, imbes na makalimot ka, makakaalala ka lang.

2 comments:

  1. talaga? congrats!!! :)

    bat ako di mo pa kinuwentuhan?? kelan ka ba balik sa makati? :)

    ReplyDelete
  2. uy galing! congrats sa iyong inay! =)

    d lang kakampi sayo, may kasama pang bilib at paghahanga, hehe

    ReplyDelete