galing akong makati kahapon. kaya madami na naman akong naiisip na kung anu-anu-ano.
~~~
inaayos yung foodcourt ng landmark at yung food choices sa g4. para siguro mas maaliwas ngayong pasko yung mga kainan.
~~~
ang pinakamalapit na kfc sa glorietta area ay yung nandun sa may mrt station. (di tuloy ako nakakain ng chicken steak. tinamad na kasi akong pumunta dun e. rar. di bale sa friday na lang.)
~~~
bakit mas mahal ng tatlong piso yung tuna pie ng jollibee sa may foodcourt ng landmark? tas 8 minutes pa bago pa maluto? wag na uy.
~~~
phei nakita ko si judah paolo na pakalat-kalat sa goldcrest. naisip ko tuloy na paolo si paolo dahil kay judah. hehe.
~~~
sanay pa rin akong umakyat ng 47 floors. mas madalas nga lang mag pop yung tenga ko.
~~~
nalaman kung pumanaw yung dating kong opismeyt. di naman kami close. pero sa pagkakakilala ko sa kanya masayahing tao sya. parang laging nakangiti. at nakakalungkot isipin na sobrang bata pa nyang namatay.
kaya dapat walang aksayahin na panahon!
~~~
alam mo ba kung anong gamot sa lss? pakinggan mo yung lss song mo.
(yun nga lang baka lalo ka lang malulong sa kantang yun. parang kung anong nangyayari sa akin ngayon. si utol kasi kung anu-ano pinapakinig sa akin. r&b pa. meh.)
~~~
di ako makadecide kung ayos ba tong kantang to o hindi. pop na the white stripes. hehe.
~~~
sabi sayo jem abrosia kumanta ng i just can't let go e. ayaw maniwala.
~~~
napapatunganga pa rin ako pag si hwoarang ang kalaban ko sa arcade. huhu.
~~~
o yan lang muna. naubusan na ko e. hehe.
No comments:
Post a Comment