Tuesday, April 24, 2007

fans kita matagal na

panalo! ang saya ng inuman at tugtugan kagabi! sulit! gusto ko pa! :D

~~~

parang meron ata si aya kagabi kaya parang ang sungit nya. pero ang ganda nya pa rin. at ang ganda ng boses nya! buong-buo pa rin kahit na mataas na yung kinakanta nya. elibs! yun nga lang sabi nga ni jae parang tinatamad sila. :P

~~~

bow ako kay sir raimund. langya, ang galeng! ngayon ko lang napanood ng live yung sandwich at ang saya. (kahit na hindi hyper si raimund. hmmm... next time dapat mapanood ko na sila na nakatayo si raims.) ang ganda ng mga covers nila at ang ayos ng mga transitions nila. nung natapos nga yung set ng sandwich di ko na maalala yung set ng imago e. hehe. mas nakakadala yung set ng sandwich.

~~~

bad trip! nai-record ko yung set ng sandwich at ilang songs ng imago. di ko nga lang ma-share ng maayos kasi hindi sya "readable" format sa mga naghohost ng music. (imeem, multiply, youtube) amr file kasi e. tsk. o well, sosolohin ko muna yung mga bagong kanta ng sandwich. share ko na lang pag sinipag akong i-convert to mp3 or whatever. hehe.

~~~

highlight ng gabi ko ay nung maging super fan boys kami nila jem, lex at jae at nagpapic kami kasama si raimund at marcus(!). oo, marcus!

marcus, jae, ako, jem & raimund

picture with buddy at ely na lang at kumpleto na ang fan boy fantasies ko. hehe. :P

2 comments:

  1. send the amr files to me and i'll do the converting. :D mukhang saya naman. inggit ako.

    ReplyDelete