Thursday, March 26, 2009

balik sa fruitcake heigh

kanina napansin ko (ulit) nung tinitignan ko yung cassette album inlay ng fruitcake ng eraserheads na parang may censored na mga salita dun. censored kasi parang minarkahan ng itim na pentel pen yung nakasulat. yun nga lang di rin nila na-censor ng maayos kasi pag tinapat mo sa ilaw tapos medyo nilagyan mo ng anggulo yung pagtingin mo sa kanya mababasa mo yung initiman na parte. at ang mga nakasulat ay... (drum roll please)

medwin marfil -vocals > more beer

yan. nakakapagtaka lang kasi ba't nila ginawa yun? nagkaaway ba sila dati? hmm...

No comments:

Post a Comment