gaeb: pare, may na-observe lang ako.
michael: o ano na naman yan.
gaeb: alam mo ba na pwede mong malaman yung character ng isang tao sa grocery items nya?
michael: alam ko.
gaeb: weh? paano mo nalaman? di ko pa naman nasabi sayo tong theory ko na to a.
michael: o sige sige. di ko alam.
gaeb: ano sample?
michael: sige, pero ako pipili.
gaeb: game! yun lang pala e.
michael: ayun. *turong nguso kay miss*
gaeb: teka. hmmm...
(gulay, low fat milk, low fat mayo, tuna, salad dressing, bread, fruits)
michael: tagal.
gaeb: easy! rich, health buff. malamang more than one year na syang nagwo-work out.
michael: explain.
gaeb: health buff, give away sa mga bibilhin nya. rich, dahil lahat ng items nya may tatak. salad dressing pa lang e. e pwede mo naman yang gawin. nagwo-work our for more than one year, dahil toned sya at kaya nyang kumain ng normal na tinapay at hindi wheat bread.
michael: pwede. pero di pa rin ako kumbinsido.
gaeb: sige, turo pa.
michael: ayun. sa may counter. *turong nguso sa counter*
gaeb: ahhh...
(diet coke in can, sprite in can, potato chips, chippy na pula)
gaeb: wala na bang mas mahirap? magsyota yan. malamang more than two years na. manonood sila ng sine.
michael: huh? paano?
gaeb: di mo kasi nakitang sinalubong sya ng gf nya. malamang more than two years na sila kasi di na sila nahihiya sa isa't isa. yung tipong kelangan pa nilang bumili ng mamahaling pop corn at drinks.
michael: sige last na lang. *turong nguso sa isang mama*
gaeb: ...
(instant noodles, assorted de lata, assorted junk food, tinapay, hotdog)
gaeb: chicken! tulad mo pre, single yan at di na nakitara sa parents nya.
michael: *napatingin sa basket nya*
gaeb: teka. pare, kulay berde pala ang dugo nyan.
michael: ha?
gaeb: tignan mo yung kinukuha nya.
michael: ano nga ba?
gaeb: lufa, facial wash at liquid soap.
michael: so?
gaeb: no straight guy would buy those pare.
michael: ows?
gaeb: ikaw ba bibili ka ng liquid soap?
michael: hindi.
gaeb: i rest my case.
No comments:
Post a Comment