Monday, June 25, 2007

patayan...

...bukas. sigurado. balak ko kasing ayusin yung mga dokumento na kailangan para sa pagkuha ng passport. leche, ang dami pala! (di naman ganun kadami. pero madami para sa akin kasi isa lang ang meron ako dun sa mga kailangan. demet!)

eto ang mga kailangan ko:

4 passport id pictures (white background, collared shirt)
nso birth certificate
2 valid ids

di ba ang konti lang? yung sa passport pictures at nso birth certificate kayang matapos bukas... tingin ko. pero yung sa valid ids. sana kaya bukas. isa lang kasi yung valid id ko e. yung company id ko ngayon. e sobrang tagal pa naman ang proseso para dun sa ibang valid ids. buwan ata ang itatagal bago makakuha ng sss id or driver's license id e. yung nbi clearance na lang ang ang pag-asa ko para mabuo ko yung 2 valid ids. kaya lang... tsanginis yan, pahirapan ang pagkuha ng nbi clearance pag dati kang dost scholar. kailangan ko pa kasing kumuha ng clearance sa dost para dun sa nbi clearance. tuloy imbes na nasa muntunlipa na ako para kumuha ng nso at nbi, pupunta pa tuloy ako ng bicutan para sa pesteng dost clearance. demet.

sana matapos ko lahat to bukas.

~~~

(bagong pahirap na naman pag nanalo ako dun sa singapore trip. kasi kailangan ko na namang kumuha ng travel clearance nun. pero oks lang. sulet naman yun e. :D)

3 comments:

  1. bakit ka kukuha ng passport? where are you going? :)

    madali lang yan pagkuha ng passport. btw, wag na wag ka papaloko dun sa mga nasa labas, lalo na yung nagsasabi mali daw yung size ng picture mo, or hinahatak ka pumunta sa travel agency. kalokohan yun e.

    ingat! :)

    ReplyDelete
  2. jam kelan ka kukuha? text mo ko in advance. kukuha din ako ng passport (che, ako for id reasons lang)..

    hmm. di na ba kailangan ng nbi clearance?

    ReplyDelete
  3. parang mas madali yata nakakuha noon yung mga kapatid ko ng passport sa lucena kasi hindi masyadong crowded. just throwing that in, baka makatulong.

    ReplyDelete