Friday, March 23, 2007

elbi!

ang haba dapat ng ipo-post ko tungkol sa pag-cut ko ng trabaho nung wednesday para pumunta sa elbi. pero tinatamad na ako e. hehe. :P basta sobrang sulit ng pagpunta ko dun. kahit na ilang oras lang ang nilagi ko dun. iba kasi talga sa elbi e. nakakatanggal ng stress. nakakatanggal ng pagod. sa elbi parang ang simple talga ng buhay. haay...

~~~

pinuntahan ko si nikki sa bahay nila. nabasa ko kasi sa blog nya na nahagip sya (ng motor). buti na lang oks lang sya. walang nabale. pero bugbug yung katawan nya. at mukhang next week pa sya gagaling.

tagal din naming nagusap. siguro may tatlong oras. lahat ata ng mga interes namin napagusapan namin. kakatuwa lang na parang kahapon lang kami nagkita at tinutuloy lang namin yung pinaguusapan namin kahit na sa totoo lang di kami madalas magkita. hmmm... actually ganito yung pakiramdam ko sa lahat ng mga kaibigan ko. ikaw, ganun din ba?

~~~

kasama ko nga pala si luz sa elbi. pero half-day lang sya. kailangan nya kasing bumalik sa manila para magtrabaho. bah! pero oks na rin. saya ng usapan namin. dami kong na-realize sa usapan namin. at dun ko lang naalala na paborito ko nga palang kulay nung high school ay green. green? yech!

at gusto ko lang i-document yung bet namin. para di ko makalimutan. (pero mukha naman na di ko makakalimutan. just in case lang.) di ko na idedetalye yung bet mismo. sabihin ko na lang yung premyo. one way trip sa kahit anong parte ng pilipinas. sweet! sweet para sa akin kasi mukhang mamaanalo ako sa bet namin. hehe. so camiguin here i come!

~~~

balik tayo ng elbi. sama ka ha? tara!

3 comments:

  1. Tangentially:

    Last time I was in UPD, I marvelled at how unhurried people were. "You see that guy? Looks like he's taking a stroll? Late na nga yan sa klase e!"

    ReplyDelete
  2. im in UPD and it seems im always relaxed but in a hurry deep inside...

    jam, there's no direct flight to camiguin but CDO will be the closest point you can get to. then u take a boat ride to the island. sweet indeed!

    what was the bet about?

    ReplyDelete
  3. chicks: iba talga pag buhay estudyante sa up.

    poks: sikreto!^^6

    ReplyDelete