Tuesday, February 27, 2007

yah horsie!

ang hirap magplantsa!!

kahapon kasi kinuha ko yung pinalaba ko. balak ko sana na i-hanger na lang yung mga damit ko. e di ko ma-take na ganun sya ka-gusot kaya after 25 years wala akong nagawa kundi ilabas yung kabayo, wisikan ng konting tubig ang mga damit ko at pasadahan ng mainit na plantsa ang mga 'to. (oo, after 25 years. since birth kasi si mama na ang nagpaplantsa ng mga damit ko. meron ngang mga okasyon na nagplantsa ako pero pa-isa-isang t-shirt lang.) grabe napagod akong magplantsa samantalang anim na t-shirt at tatlong pantalon lang ang pinlantsa ko. ang tagal ko pa nga bago ako natapos e, gitna ng super twins hanggang gitna ng princess hours. bad trip pa kasi di ako pwedeng humawak ng tubig. di tuloy ako nakapaghilamos at toothbrush agad. (dapat kasi ginawa ko muna yun bago ako magplantsa. next time...) oks naman yung kinalabasan nung mga pinlantsa ko. at least sa standards ko. hehe.

kaya konting pabor naman, pag may nakasalubong kayong caveman na medyo gusot ang damit, pansinin nyo na mukha na syang caveman at wag na ang gusot nyang damit. ayt?

No comments:

Post a Comment