Thursday, January 18, 2007

lipat bahay

nung weekend pa ako nagtataka kay mama kung ba't nya ba gustong ibenta yung mga gamit namin sa bahay, dining set, side table, display cabinet, etc., e di pa nga namin nabebenta yung bahay. sa isip ko, ang panget naman na wala na kaming gamit sa bahay.

tapos kagabi biglang banat si mama ng ganito...

mama: nagustuhan ng nagtingin eto. (turo sa narang side table(?))
ako: ows?
mama: binibili nya ng ten thousand.
ako: ten thousand?
mama: mura ba yun? five thousand ko lang naman nabili to e.
ako: ummm... ok na. e ba't ba natin ibebenta yan? aanhin mo ba yung pera?
mama: para may pang down ka sa lilipatan mo.
ako: e kelan ba kayo(si mama at si hubby nya) makakakuha ng bahay sa pampanga?
mama: inaayos na nga nya e.
ako: kelan nga?
mama: this month na.
ako: this month na??
mama: oo. mabibigyan na daw kami ng apartment by the end of this month.
ako: ma ba't di mo naman sinabi agad sa akin??

kaya eto, medyo inis pa rin ako kay mama. pero ok na rin kasi matagal ko nang gustong humiwalay. sana lang napaghandaan ko at di ako masyadong gumastos nung mga nakaaraang buwan. haay...

ngayon dapat na akong makahanap ng bahay bago magkatapusan. kaya dear readers kung may alam kayo na pwede kong lipatan sa makati area, pakisabi naman sa akin. (gusto ko sana studio type. ;)) salamats ng marami.

3 comments:

  1. you should get some of the furniture for your self. ^_^

    ReplyDelete
  2. hey! ngayon ko lang nakita. how much budget mo dear? i'll help you look. yey! makati ka na rin! sayang, housemate sana tayo. :)

    anyway, tama! dapat save mo yung ibang furniture para sa sarili mo. :)

    ReplyDelete
  3. yep, meron na nga po akong na-salvage na gamit. hehe. the essentials. ;) tv at ref. :D

    honto tse-san?^^ oni gaisimasu!!

    hmmm... max 5K.

    ReplyDelete