Thursday, August 03, 2006

vroom! vroom!

kailan nga ba yung huling beses ko na nakasakay (ulit) ako ng kotse? hmmm... hmm.. hm. sa sobrang tagal na di ko na maalala. um... ay, oo nga pala! kagabi lang.hehe. tatlong kotse pa nga yung nasakayan ko e.

pauwi na ko galing sa isang videoke session (masayang kumanta ng malulungkot na kanta) nang makita ko yung mga nakadisplay na honda na kotse sa gitna ng glorietta. nagbago yung isip ko na kumain. magwiwindow shopping na lang ako ng kotse saka ako uuwi. :)

una ko sanang sasakyan yung crv pero ang daming uzi. kaya nauna kong nasakyan yung civic. ang ganda nya! *tulo laway* siguro mga tatlong minuto akong nakaupo dun. sunod yung crv. ang ganda rin! *tulo tulo laway* na-ewanan nga lang ako sa kambyo nya. isipin mo yung kambyo ng L300 tabasan mo ng konti tas imbis na sa manibela ilagay mo sa may dashboard malapit sa may speedometer. ampanget! naalibadbaran ako. buti na lang matic yung nandun. baka sa manual normal na sya. last kong sinakyan yung jazz. *tulo tulo tulo laway* pinakatrip ko sa lahat to. nakikita ko pa lang sya sa daan napapasipol na ako. *wit-wiw!* at nung naupo ako sa loob, naku patay na! feel na feel ko na talga. nag-imagine na ko na naminamaneho ko yun sa may tagaytay, alabang, greenhills, kahit saan. syempre medyo light lang yung tint ng bintana para nakikita pa rin ako. tas makikita ako ng mga bebot tas sasabihin nila, "nice car. gwapo ba yung nagda-drive? ayy, may gf na..." (yep, nice car nga. yep, gwapo. syempre may nice car ako e. yep, may gf na. syempre may nice car ako e.) tagal kong nakaupo dun at kung di lang dumadami yung tao mastatagal pa ko. kaya umalis na ko kahit labag sa kalooban ko.

humingi ako ng price list ng mga kotse... ... ... pwede! kelangan ko lang magpaalipin sa trabaho ko ng ilang taon para ma-promote tas kaya ko ng bumili ng kotse.

i want my nice car na!

3 comments:

  1. buti nde ka hinuli ng mga guard dun. puro tulo na ng laway mo yung mga kotse XD

    ReplyDelete
  2. Astig nga! Gusto ko rin nung jazz. Ganda no? Nagdaydream din ako nung nakita ko yun kaya lang di na ko sumakay, baka kasi kahit sa daydream, maisampa ko sa sidewalk (parang nung nagtest drive ako). Hihi.

    Natawa ako dito:
    "yep, nice car nga. yep, gwapo. syempre may nice car ako e. yep, may gf na. syempre may nice car ako e."

    ReplyDelete