Wednesday, August 23, 2006

anong hindi?

At least, hindi relatives ang nagtatanong sayo nun.

anong hindi?

kanina sa pila nakasabay ko si tita at si tito. (madalas si tito lang ang nakakasabay ko. at madalas, kung napapansin nya ako, nililibre nya ako ng pamasahe. at di naman ako makatanggi kahit na nahihiya ako sa kanya. di naman daw nya kasi ikayayaman yun.) may dalawang tao yung nasa pagitan namin. syempre dahil magalang at mabait akong bata pinuntahan ko sila para magmano.

ako: mano po. (kay tita)
tita: kamusta ka?
ako: mabuti po. mano po. (kay tito)
tita: (nakangiting nagtanong...) kamusta ang girlfriend?
ako: ummm... (patawang nasabing...) wala po akong girlfriend e.
tita: (napatawa ng konti) ... ... bakit?
ako: ahh... sige po balik na ko sa pila.

bleh! sabi ko na nga ba dapat paminsan-minsan di ako mabait at magalang e.

nung naningil yung dispatcher at nag-alok sila na sila na daw ang magbabayad para sa akin, di na ko tumanggi. pwede ng kabayaran yun. hehe. :P

No comments:

Post a Comment