Thursday, March 04, 2010

formspring.me

ilan ang peklat mo? at alin ang pinakamaganda ang kwento?

medyo madami din. klutz din kasi ako e.

yung sa may ibaba ng kaliwang mata ko. (di na sya halata kasi nadaan sa sebo de macho. hehe.) ang kwento nakuha ko yun sa pikyaw(shato). nakapwesto kasi ako sa likod ng tito ko, sya yung "batter" namin. pag angat nya ng pato sa may butas gamit yung mahabang stick ayun tumama sa may pisngi ko. awts! muntik na nga akong mabulag. ang nakakatawa lang itinago pa namin yun kay mama kasi patay yung tito ko pag nalaman ni mama yung tunay na nangyari. ang palusot namin, tumama daw ako sa edge ng cabinet habang inaabot ko yung matchbox ko na nasa ilalim nun.

fire away!

1 comment:

  1. Uy! May naalala ako dito ah? Parang ako meron peklat below my left eye at dinaan ko rin sa sebo de macho. Pero mas recent lang yung sa akin. Mga hayskul. Haha

    ReplyDelete