Thursday, December 07, 2006

ewan ko ba pero pag nakakapakinig ako ng mga kanta ng up dharma down naiisip ko yung daan papuntang cavite. siguro kaya yun ang naaalala kasi nung minsang galing kami ng cavite pinapatugtog sa radio yung kanta ng udd na "oo" tas syempre sing-along naman ako. (pero mahina lang. nakakahiya sa ibang pasahero sa van e.) syempre nagtaka naman yung mga kasama ko kung ano yung kinakanta ko. (di pa kasi sikat yung udd nun. wala pang video yung "oo" tas kalalabas pa lang ng album nila nun.) di ko sya ata pinansin nun kasi enjoy ako sa pagkanta. at mukhang di naman nya nagustuhan yung kanta kaya di na rin nya ako kinulit. nakakatawa lang kasi pagkalipas ng ilang buwan sya na yung kumakanta nun. naging mejo "pop" na kasi yung "oo."

hmmm... kaya rin siguro yun ang naaalala ko kasi napaka-memorable nung biyahe na yun. ang sakit kasi ng tumbong ko dahil ang panget ng pagkakaupo ko sa van e. ehe.

(alam ko na pala kung bakit ko naiisip yun. hehe.)

3 comments:

  1. I think I know Y? you remember the song!!!! ha'ha:P
    Kinda weird kasi d ko talaga maappreciate yung kanta na yun..
    ..Baduy!!!!

    ReplyDelete
  2. hoy! i got interested with the song kaya nga i asked you kung ano yung title.. :fish: then i forgot about it. :D kaya nung naging sikat yung song, naalala ko na gusto ko un.. hmp!

    ReplyDelete