Monday, August 21, 2006

lunes ng tayo'y...

lunes

maulan. nandito ako ngayon sa opis. nagtatrabaho. ang aga ko kasing umalis nung biyernes kasi pumunta ako sa folk arts. yan tuloy kailangan kong mag-OTy ngayon. pero oks lang gusto ko naman talagang magtrabaho ngayon kaysa sa maiwan na naman akong magisa sa bahay para magmukmok.

~~~

biyernes

kakagising ko palang gusto ko nang mag alas singko. rockestra kasi ngayon. naka-loop na sa winamp ko sa opis yung mga kanta ng itchyworms, urbandub at up dharma down. concert mode na concert mode na ako. buti na lang nag-seminar kami ng umaga kasi alam ko na wala talaga akong magagawang trabaho ngayon. pag dating ng hapon nire-review ko na yung mga instructions sa akin ng mga pinagtanungan ko kung paano pumunta ng folk arts. (wala talaga akong alam pag dating sa pasikut-sikot sa manila. syano talaga ako e. hehe.) mukha namang kaya ko nang makarating dun. pero mas mabuti na kung maaga ako aalis para kahit na maligaw ako makakaabot pa rin ako sa concert.

langyang buhay to. kung kailan mo kailangang umalis ng maaga sa trabaho saka magdadatingan yung mga dapat gawin. bahala sila basta aalis ako ng alas singko impunto dito! hmmm... buti natapos ko yung mga dapat tapusin. two out of three nga lang. hehe. iniisip ko kung sabado ako mago-OT o sa lunes. sabi ko lunes na lang kasi baka di ko pa kayang lumabas ng sabado.

(bandang hapon din kasi nagyayaya si birthday boy alekos ng gimik. papainom daw sya. tatanggi ba naman ako sa ganun? yun nga lang sa timog ang venue. sabi ko hahabol na lang ako. sabi nga ni jae magto-tour of manila daw ako.)

5:15 na ata ako nakaalis ng opis. sakay ako ng lrt na bus. baba ako sa lrt tas sakay papuntang vito cruz. dun sa vito cruz mej naligaw ako. tinext ko tuloy si ate na isa sa mga nagbigay sa akin ng directions papunta dun.

text ko:
ate!Ü naliligaw ako! nandito ako sa may kumakahol na aso. hehe. :P

pero mej naligaw talga ako. nagtanong pa nga ako kay mamang pulis e. sabi nya tumawid ako para makita ko yung hinahanap kong orange na jeep. pero bago ako tumawid kumain muna ako sa jollibee ng crispy-licious at juicy-licious na chicken joy. sobrang natakam kasi ako sa kwento ng purrty kong kaibigan habang nagmemeryenda kami nung hapon e. mga 6:30 na rin ata ako nakaalis ng jollibee para tumawid at hanapin yung orange na jeep. buti naman at nakita ko. at makalipas ang ilang minuto nasa harap na ko ng folk arts. ang aga ko! 6:45. siguro mga 7:20 na sila nagpapasok. nakaupo ako sa gitna ng front row ng orange section. ayus! solb na ako sa pwesto ko dito. matagal-tagal pa bago magsimula yung concert kaya nakatulog pa ako. bandang 8 nakita ko si dacs at si drew. mas malapit ng konti yung pwesto nila sa stage. dun sila sa red section. nung nakaupo na sila tinext ko si dacs.

ako: dacs!Ü kita ko kayo. tingin ka sa likod mo.Ü
dacs & drew: {tumingin sa likod}
ako: {kumaway-kaway}
dacs: lipat ka na lang dito. mukha namang walang bantay e.
ako: hmmm... mamaya na lang pag nag-start na.

sa totoo lang nahihiya talaga akong lumipat kasi meron pang dumadating na mga late na tao. pero after ng first song nagtek ulit si dacs.

dacs: oy! lipat ka na dito.
ako: may mauupuan ba ako?Ü
dacs. meron sa tabi ni drew.Ü
ako: ayus!Ü

e di lumipat din ako. na-disorient pa nga ako kasi di ko sila agad nakita. (kaya mas sulit ang concert kasi naka-*discount* ako e. hehe.) pero nakita ko din sila. napansin ko na mas mainit sa pwesto nila. pero oks lang kasi napansin ko na (mas) naririnig ko na yung orchestra dun sa pwesto nila. nice!

ayus lahat ng mga performances ng mga banda. pinaka gusto ko yung performance ng up dharma down. bagay kasi sa mga kanta nila yung dagdag na tunog na bigay ng mso. ayus din yung sa urbandub. pero agree din ako sa sinabi ni ma'am dacs na sana pumili sila ng isang lumang kanta. enjoy yung performance ng itchyworms kasi ang kukulit nila. pero madaming na-dissappoint na manonood nung di nila pang finale yung kanata nilang beer or buwan. (or love team. hmmm... ako lang ata na-dissappoint dahil di nila kinanta to. hehe.) pero siguro ang tatak sa utak nung mga nanuod ng concert ay yung performance ni scene stealer of the night john santos aka armida siguion macareyna. sobrang hagalpak sa tawanan yung buong folk arts. ang galing ng timing ng mga sundot at hirit nya. saktong-sakto. sarap nga ng tawa ko nun e. (siguro match sa tawa ko nung pinapanood ko to.)

11 na natapos yung concert. sabay sana ako kina ma'am dacs at andrew sa taxi para maibaba nila ako sa edsa kaso lang di kami makapara ng taxi. nagjeep na lang kami papuntang taft para dun sila sumakay. humiwalay na ako sa kanila at nag-abang ng pwede kong masakayan papuntang timog kasi sabi ni drew may dumadaan ata na jeep na dadaan sa kamuning dun. e kaso lang parang wala naman akong makitang jeep na dadaan ng kamuning. sabi ni jae sakay daw ako ng bus pa-fairview. e wala naman akong makitang bus. (ano nga ba ang pwede kong sakyan??) may nakita akong fx na biyaheng fairview. sumakay na ako dun. bahala na si batman.

~~~

sabado

bumaba ako ng q.ave. (galing talaga ni batman!) nagtaxi papuntang gma para pick-up-in si lex at si jae. diretso kami dun sa daig pa ang sleeper-hold na bar. sobrang cozy ng lugar nakatulog tuloy kami ni lex. (sorry jae! hehe.) lumipat kami sa kalye juan kasi nagugutom na si jae. nagugutom na rin pala ako. enjoy kami ni jae sa mainit na sinigang na baboy at inihaw na tyan ng bangus. si lex? cheesesticks at beer. (sorry lex! hehe.) dun na lang namin tinuloy, actually sinumulang magkwentuhan. the usual usapang may tama na.

"...pre mapili lang naman tayo kaya wala tayong mga girlfriend."
"kung gugustuhin naman natin pwedeng-pwede tayong magka-girlfriend e."
"ano next week?"
"wala di naman natin magagawa yun kasi good guys tayo e."
"oo nga. tignan mo tong si xxx. bff!"

sarap nang kwentuhan at inuman namin. umabot nga kami ng alas kwatro alas kwatro dun e.

alas sais na ko nakarating ng bahay. pagod at sobrang antok. pero happy. natulog ako hanggang alas dose tas nanood ng eat bulaga tas natulog ulit hanggang alas sais. nagdinner tas natulog na ulit.

~~~

linggo

... ... ... ... ... yes! lunes na bukas! papasok ako! ... ... ...

~~~

lunes (ulit)

medyo bad trip akong sumakay ng jeep kasi nag-bus ako papuntang makati. buti na lang may nakasakay akong miss cute(may dimple din!^^). sabi ko pag pareho kami ng bababaan magpapakilala ako sa kanya. pareho kami ng binabaan. kaso lang umiral na naman ang pagka-chicken ko. nakakatawa/nakakainis kasi sa enterprise din ang punta nya kaya kasabay ko syang naglakad mula dun sa binabaan namin...

sa may tower one din sya...

kami lang dalwa ang sakay sa elevator!

ummm...

ummm...

ummm...

wala e. eprot e. :P

4 comments:

  1. hahaha! natawa ako sa punchline. :P

    ReplyDelete
  2. oo nga pare. mukhang kayang-kaya mo nga, kung gustuhin mo lang :p

    ReplyDelete
  3. hello, musta po...napadaan lang..can i add you to my link, kung okay lang? tc.

    ReplyDelete
  4. haha! eprot! teka... ba't ba ako tumatawa e kung ako yun malamang sa sobrang takot ko e nag escalator nalang ako imbes na elevator...

    bff! waa!

    ReplyDelete