Tuesday, March 08, 2005

afternoon delight

di ko mapigilang ang mapangiti kahapon habang naglalakad ako sa kahabaan ng ayala nang maalala ko si bossing vic na sumasayaw ng amuy amuy ng papa kasama ng sex bomb sa simula ng laban o bawi noong sabado. pucha, sino nga ba ang hindi matatawa dun?

nagbago ng set ang lob. dapat lang naman kasi bago ang sa kabila, syempre dapat may bago rin sa paningin ng manonood ng eat bulaga. at kung dati one out of six ang chances mo para manalo ng isang milyon ngayon one out of five na. pero parang masmasaya yung dati. kasi dati may pusa pa. hehe.

bakit kaya ganun? di matapatan ng dos ang eb? naalala ko may time na nakikipagsabayan yung mtb sa eb. pero nalaos din ng mawala si willie.

may mga pagkakataon naman na mataas ang ratings ng noon time shows ng dos sa eb. pero nangyayari lang ito pag "nagre-format" yung show. pagkatapos nun olats na ulit sila.

~~~

bakit ba ipanapamukha ng wowowie na sila ang show na nagbibigay ng pag-asa sa bayan? e pareho lang naman sila ng ginagawa ng eb a.

~~~

ang sarap isipin na manalo ng isang milyon no? pag nanalo ako ng isang milyon solb na ang problema ko ngayon sa pera.

naisip ko lang. kawawa naman ang mga milyonaryo no? minus one sa mga pinagmumunimunihan at ikakatuwa nila, kahit sandali lang, ang pagisip ng "ano kaya kung manalo ako ng isang milyon..."

1 comment:

  1. Agree! Mas maganda talaga ang Eb kahit saang channel pa sila ilagay. Recall that they were in RPN and ABS-CBN too.

    ReplyDelete