Monday, January 24, 2005

abs

bandang october ata nun nang makatanggap ako ng text galing kay allen. naka-confine daw si zsazsa sa makati med at nangangailangan ng dugo. kung sa rotc nga nagbibigay ako para makalibre ng isang training day, kaya wala namang problema sa akin ang mag-donate ng dugo.

nadatnan namin ni allen yung dalawang officemates ni zsa na nakapagdonate na ng dugo at pauwi na. nandun din si doy na katatapos lang kuhanan ng sample. konting kamustahan muna bago kami bumaba para magpa-test kung pwede ang mga dugo namin. gulat lang namin nang makita namin si vistan at si abing habang nagaabang kami ng elevator. bibisita din pala sila. walang tao dun sa blood bank pagdating namin. di tuloy kami nakuhanan ng sample kasi nag break yung mga tao. (siguro kumain kain ng puto at... kutsinta.)

bumalik na lang kami sa kwarto ni zsa para magpalipas ng oras habang hinihintay na magbukas ang banko.syempre tuloy ang asaran at kwentuhan. niloloko pa nga nila si abing kung magdodonate din sya. inaalala rin nila yung time na si abing yung nangailangan ng dugo. pagkakaalala ko direct blood transfussion pa daw yung nangyari. maya-maya pa'y bumaba na kami nila allen para magpakuha ng dugo. na-reject kami ni allen. may sipon kasi si allen. ako naman, puyat kaya di rin pwede. buti na lang may mga kamag-anak si zsa na dumating. sila na lang ata yung nag-proxy sa amin.

di na namin naabutan si doy, vistan at abing pagbalik namin sa room ni zsa. sumibat na pala sila. 'di ko alam na yun na pala yung last time na makikita ko si marvin.

di kami close ni marvin. di ko sya naging classmate nung high school. at minsan minsan lang ako nagro-room hop sa kwarto nila sa dorm. pero madalas akong mapatawa nito dahil sa mga hirit nya. kasi tatahimik-himik din 'to tapos bigla na lang pa-punch line. at syempre di ko makakalimutan ang "sha-la-la-la" ni marvin. da best talaga!

marvs, kahit na sandali lang ang itinagal mo dito marami ka namang napasya at napamahagian ng iyong kabaitan. nadagdagan na naman kami ng kakampi dyan sa 'taas.



No comments:

Post a Comment