Friday, February 23, 2007

nagulat ako sa tawag na natanggap ko kaninang umaga. di ko talga in-expect yun. kaya nga di ako nakapagsalita agad. parang di mag-register sa utak ko na sya yung nasa kabilang linya. naguluhan ako nun, na-off balance. (hanggang ngayon parang ganun pa rin ang pakiramdam ko.) parang gusto ko syang kausapin na ayaw. gusto kasi matagal ko na syang hindi nakausap. ayaw kasi di ko naman masasabi sa kanya lahat nang gusto kong sabihin. gusto kasi di ko na alam kung ano nang nagyayari sa buhay nya. ayaw kasi di naman nya maike-kwento lahat lahat nang nangyayari sa kanya. gusto kasi miss ko na sya. ayaw kasi miss ko na sya.

pero mas gusto ko na nakausap ko sya.

1 comment:

  1. awww. kaya mo yan, friendship! idaan mo na lang sa panonood ng bleach at death note. hehehe. :P

    ReplyDelete